Mga plastic bottle, ihahalo na sa mga ginagawang kalsada —DPWH

Inaprubahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng polyethylene terephthalate (PET) plastic bottle bilang panghalo sa mga ginagawang kalsada.

Alinsunod na rin ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na bumuo ng resilient at sustainable na mga imprastraktura sa bansa.

Sa pamamagitan nito, ihahalo sa mixture para sa mga aspaltong kalsada ang mga plastic na bote na layong mas maging matagal bago masira ang mga daanan.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, asahan pa ang mga ganitong polisiya sa susunod na panahon na layong gamitin ang mga waste material sa pagtatayo ng imprastraktura sa ikauunlad ng bansa.

Ang plastic waste mixture ay bahagi na ngayon ng DPWH Standard Specification at kabilang na sa Project and Contract Management Application para sa mga proyekto ng kagawaran.

Facebook Comments