Mga produktong mabibili sa Kadiwa Center ng DA, ibinebenta na rin online

Maaari na ngayong mamili ng mga produktong agrikultura na ibinibenta sa Kadiwa Center sa pamamagitan ng Kadiwa Online Pabili.

Ayon kay Bing Isungga, store manager ng Department of Agriculture Agribusiness Development Center, hindi lamang limitado sa mga gulay, karne, bigas ang maaring mabili sa Kadiwa Online Pabili.

Kabilang din sa mabibili sa mas murang presyo ay mga produktong gawa ng mga magsasakang miyembro ng mga kooperatiba.


Pero sabi ni Isungga, limitado lamang sa 3-kilo kung bigas na ₱41 at ₱45 ang bibilhin online at sagot ng mag-o-order ang shipping fee.

Paliwanag ni Bien Isungga, dapat ay buong National Capital Region (NCR) lamang maaring mag-pabili online pero siniserbisyuhan na rin nila ang mga kostumer hanggang lalawigan ng Rizal.

Bukas ang Kadiwa Online Pabili mula Lunes hanggang Biyernes alas-8:00 hanggang alas-2:00 ng hapon, at ala-8:00 hanggang alas-12 naman ng tanghali kapag weekend.

Facebook Comments