Mga pulis na babagsak sa Marksmanship Test babawian ng baril, papalitan ng bolo

Babala ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III sa mga pulis na babagsak sa isasagawang Marksmanship test ay babawian ng baril at bibigyan ng bolo.

Ayon kay Torre, ang mga pulis na hindi pasado sa proficiency standards sa barilan ay babawian ng service firearm at papalitan ng bolo kung sakaling mangamote ang kanilang performance.

Sinabi ni Torre na kanyang sisiguraduhing marunong bumaril ang bawat alagad ng batas.

Aniya, magsisimula ang pagsusulit sa mga opisyal na nasa mataas na posisyon, at susunod na isasalang ang mga patrolman.

Dagdag pa ni Torre, lagda na lamang nya ang kulang sa procurement ng karagdagang bala upang magamit ng mga pulis sa ensayo bago ang mismong pagsusulit sa Hulyo.

Facebook Comments