Mga pulis na nais ma-promote, kailangang magsumite ng resibo —PNP Chief

Binigyang-diin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na kailangang masinsinang repasuhin ang aktwal na trabaho ng mga pulis para masigurong epektibo ang kanilang serbisyo.

Sa kanyang unang flag raising ceremony bilang bagong hepe ng Pambansang Pulisya, iginiit ni Torre na hindi sapat ang dami ng report.

Dapat aniya ay may malinaw na “resibo” ng aktwal na pag-aresto, lalo na sa mga walang warrant.

Kasunod nito, inatasan ni Torre ang Directorate for Personnel and Records Management na isama ang affidavit of arrest sa performance metrics ng mga pulis, na magiging batayan sa promosyon, lalo na para sa mga patrolman at sergeant.

Giit ni Torre, kikilalanin ng PNP ang mga pulis na tunay na kumikilos laban sa kriminalidad, hindi lamang sa papel kundi sa aktwal na serbisyo.

Facebook Comments