Mga Pinoy sa Los Angeles, California, pinaiiwas sa mga kilos-protesta sa harap ng Immigration crackdown sa LA

Pinaiiwas ng Philippine Consulate sa Los Angeles, California ang mga Pilipino sa nangyayaring mga kilos-protesta doon.

Sa harap nito ng pinaiiral na crackdown operation ng US government sa mga dayuhan na iligal na nannirahan sa Amerika.

Sa abiso ng Konsulada, pinaiiwas ang mga Pinoy sa mga kilos-protesta sa Downtown Los Angeles.

Sa ngayon, nag-deploy na ang Trump administration ng libu-libong pwersa ng National Guard sa Los Angeles.

Pinapayuhan naman ang Filipino community sa LA na makipag-ugnayan sa Konsulada sakaling kailangan nila ng tulong.

Facebook Comments