Mga pulitikong i-epal sa bentahan ng murang bigas, mananagot sa Malacañang

Nagbabala ang Malacañang sa mga kandidatong mananamantala sa mangyayaring bentahan ng ₱20/kilo na bigas sa Visayas region.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat naka-balandra ang mukha ng mga politiko oras na magsimula ang programa, lalo na kung gagamitin ito para sa mangangampanya.

Mahigpit aniyang ipagbabawal ang paglalagay ng mga larawan at tarpaulin sa bentahan ng bigas

Babala ni Castro, babantayan ng Commission on Elections (Comelec) kung ginagamit para sa eleksyon ang proyekto ng gobyerno.

Giit ng Palasyo, ang pangunahing layunin ng ₱20 rice program ay bigyan ng access sa murang bigas ang mga tao at hindi para sa interes ng mga pulitiko.

Facebook Comments