Hindi lamang mga punla ang itinanim sa isinagawang Tree Planting Activity ng Solid Waste Management Office (SWMO) ng Basista kundi kasabay nito ay ang pag-usbong ng pag-asa para sa isang luntian na bayan.
Bilang pakikiisa sa Culminating Activity ng National Resilience Month Celebration namahagi at nagtanim ng mga puno ang grupo, simbolo para sa pangangalaga ng kalikasan at paghahanda sa climate change.
Ilan sa mga punla ay ang putat, bitaog, at bani na ibinigay ng Pangasinan Native Trees Enthusiasts (PangNTEs), bilang suporta sa pagpapanumbalik ng biodiversity at pangangalaga sa likas na yaman.
Gumamit dim sila ng mga recycled plastic bottles bilang lalagyan ng mga punla at bokashi compost bilang growing medium.
Isang simpleng hakbang na nagpapatunay na ang wastong pamamahala ng basura ay maaari ring maging daan sa paglikha ng mas luntiang kapaligiran.
Sa bawat punlang naitatanim, unti-unting tumitibay ang hangarin ng Basista na maging isang komunidad na hindi lamang handa sa anumang sakuna, kundi may malasakit din sa kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










