Makatatanggap ang bayan ng Manaoag ng isang P15 milyong farm-to-market road mula sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF), na inaasahang magpapagaan sa transportasyon ng mga magsasaka at magpapalakas sa kabuhayan sa lugar.
Hiniling ng lokal na pamahalaan ang proyekto upang mapabuti ang koneksyon ng mga komunidad, partikular sa Barangay Pugaro, isa sa pinakamalalaking barangay sa bayan.
Mag-uugnay ang bagong kalsada sa Barangay Sapang at Barangay Pugaro, na inaasahang magpapadali sa pagdadala ng mga produktong agrikultural mula sa mga sakahan patungo sa mga pamilihan.
Hinihintay na lamang umano ng lokal na pamahalaan ang pinal na abiso mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang masimulan ang proseso ng bidding para sa proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







