Naglaan ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas ng 116-metrong alternatibong daan patungo sa San Nicolas Public Cemetery sa Barangay Nagkaysa para sa Undas.
Ayon sa ulat, isinagawa ang daan bilang karagdagang ruta sa mga sasakyan at tao dahil sa pagdagsa ng mga dumadalaw sa sementeryo.
May lapad na apat na metro ang bagong kalsada o kabuuang lawak na 464 metro kuwadrado.
Nauna na itong sinuri ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga residente bago ang Undas para masiguro na nasa kondisyon ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








