
Naaresto na ang mga suspek sa serye ng mga krimen sa southern part ng Metro Manila.
Una rito, nagsasagawa ng backtracking ang Philippine National Police (PNP) sa suspek sa pamamaril sa isang 40-anyos na lalaki na ikinasugat ng 21-anyos na call center agent sa labas ng isang paaralan sa Taguig City nitong Lunes ng madaling araw.t
Ayon sa PNP, ang naturang lalaki ang tumbok lamang ng kanilang operasyon.
Pero nang masundan ito ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) sa isang bahay sa Taguig, dito nila nakita ang ilang indibidwal na nag-iinuman.
Nagtaka umano ang mga ito nang itapon ng mga suspek na nag-iinuman ang kanilang mga baril kaya agad silang hinuli.
Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na sangkot ang mga ito sa mga krimen sa Taguig, Marikina, at Rizal.
Kabilang sa mga kasong kinahaharap ng mga suspek ang murder, shooting, robbery/holdup, carnapping, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon kay Taguig City Police Office Chief of Police Col. Julius Añonuevo, posibleng may mga kasabwat pa ang mga nahuling suspek sa serye ng mga krimen sa southern Metro Manila.










