MGA USAPIN SA TRANSPORTASYON AT PRESYO NG LANGIS, TINALAKAY SA IKALIMANG SONA NI PBBM; BIG-TIME OIL PRICE HIKE, EPEKTIBO NGAYONG ARAW

Isa sa ipinunto ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang naging progreso umano sa sektor ng transportasyon sa bansa pati na rin ang usapin sa produktong petrolyo.

Magmula sa mga tren hanggang sa electric public transportation vehicles—ilan ito sa ibinahagi ng pangulo na nagkakaroon na umano ng pag-usad nang sa gayon ay hindi gaano maramdaman ang presyo ng petrolyo dahil mas magaan ang mga de-kuryente at hindi nito kinakailangan ng petrolyo upang magamit bilang uri ng transportasyon.

Umaasa ang pangulo na mas dadami pa ang gagamit ng electric vehicles sa bansa sa paglipas ng taon.

Tinututukan umano ng pamahalaan ang progreso rito upang makapagbigay ng mas modernong pamamaraan ng transportasyon.

Ipinunto rin nito ang ginawang aksyon ng pamahalaan noong kasagsagan ng pagsirit sa presyo ng petrolyo dahil sa tensiyon sa Gitnang Silangan at pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Sa kabila nito, panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang epektibo ngayong araw kung saan tinatayang nasa 7.32 pesos kada litro sa diesel, 6.80 pesos kada litro sa gasolina, at 4.22 kada litro sa kerosene.

Batay sa Department of Energy (DOE), epektibo ang oil price adjustment mula July 28 hanggang August 3, 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments