Miami, tinambakan ang Rockets

Inilampaso ng Miami Heat ang Houston Rockets sa score na 113-91.

Ito ay sa kabila ng kawalan ng kanilang tatlong top scorer na sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Tyler Herro.

Bumida sa panalo ng Miami sina Kendrick Nunn na may season-high na 30 points at sina Duncan Robinson at Goran Dragic na kapwa nakagawa ng tig-19 points.


Umeksena rin si Andre Iguodala para sa Miami na nagtapos sa 16 points.

Minalas naman ang Rockets dahil ito na ang kanilang ika-33 pagkatalo sa huling 37 games.

Habang ang Heat ay nasa number 4 ng mga teams sa Eastern Conference.

Facebook Comments