Milwaukee Bucks Star Giannis Antetokounmpo, hinirang na NBA Defensive Player of the Year

28

Hinirang ng NBA bilang 2019-2020 Defensive Player of the Year si Milwaukee Bucks Star Giannis Antetokounmpo.

Ito’y matapos siyang tumanggap kabuuang 432 points o 75% votes mula sa panel ng 100 sportswriters at broadcasters dahilan upang maluklok ito sa first place.


Si Antetokounmpo na una nang hinirang na 2018-19 MVP ng NBA, ang naging pang-limang manlalaro na tumanggap ng MVP at Defensive Player of the Year Award sa kanyang career para mapabilang kasama sina Kevin Garnett, Hakeem Olajuwon, Michael Jordan, at David Robinson.

Pinangungunahan ni Antetokounmpo, ang best defensive team ng liga na Bucks, na may average na 13.6 rebounds, 1 block at 1 steal sa 30.4 minutes kada laro.

Facebook Comments