Mini Job Fair na inorganisa ng PESO Navotas at ng DZXL Radyo Trabaho, magsisimula na ngayong araw

Magdaraos ng Mini Job Fair ang pamahalang lungsod ng Navotas sa ilalim ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL Radyo Trabaho ngayong araw Nobyembre 23, 2022!

Gaganapin ang Mini Job Fair sa Navotas Central Park mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sa mga nais magpunta ay maaaring magsadya sa pre-employment seminar na magsisimula ng alas-8:30 ng umaga sa Pangisdaan Hall para matutunan ang iba pang kinakailangan pagdating sa job interview.


Pinapayuhan ang lahat ng pupunta sa aktibidad na ito na magdala ng kanilang resume at iba pang pangangailangan sa pag-apply ng trabaho at mayroong PESO help desk na magbibigay ng libreng free printing resume.

Layunin ng Mini Job Fair na ito na magkaroon ng disenteng trabaho ang mga Navoteño at matulungan na mabawasan ang unemployment rate sa bansa.

Facebook Comments