
Ipinadi-disqualify ng Commission on Elections (Comelec) Task Force SAFE si Misamis Oriental Governor Peter Unabia na muling tumatakbo ngayong midterm elections.
Ito ay kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Unabia sa gitna ng kampanya kung saan nagbiro itong dapat ang mga magagandang babae lamang ang maging nurse.
Si Unabia ang ikalawang local candidate na nahaharap sa disqualification case dahil sa anti-discrimination and fair campaigning guidelines kaugnay sa 2025 elections.
Bago niyan, nauna nang sinampahan ng disqualification petition ang kandidato naman ng Pasig City na si Atty. Ian Sia dahil sa biro nito tungkol sa mga single mom.
Facebook Comments