Pinalalawak ng Municipal Health Office-Sanitary Inspectors ang pagsasagawa ng larvicidal treatment sa mga paaralan sa Calasiao bilang hakbang laban sa pagdami ng lamok.
Muling isinagawa ang operasyon sa iba’t ibang paaralan upang matugunan ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok, partikular ang mga naipong tubig-ulan na dulot ng pagbaha.
Kabilang sa tinututukan ang mga naipong tubig, kanal at iba pang posibleng breeding sites ng lamok.
Layunin ng hakbang na makatulong na mapababa ang pagdami ng lamok at panganib ng dengue sa mga paaralan at komunidad.
Patuloy naman ang panawagan na panatilihing malinis at ligtas ang mga paaralan at paligid upang maiwasan ang pagdami ng lamok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








