MMDA, nanawagan sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura

149

Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng basura dahil sa huli tayo rin ang mapeperwisyo.

Ang panawagan ng MMDA ay kasunod ng nangyaring pagbaha sa EDSA-Santolan flyover hanggang Main Avenue kahapon na nagdulot ng mabigat sa daloy ng trapiko.

Ayon sa MMDA, regular at araw-araw ang ginagawang cleaning at declogging operations pero hindi nauubos ang mga basura na bumabara sa mga kanal dahil sa paulit-ulit na pagtatapon kung saan-saan lamang.


Paliwanag ng MMDA, karamihan sa mga nakukuhang basura ay mga plastic bags, styrofoam, plastic cups, plastic bottles, at mga pinaglagyan ng pagkain na bumabara sa mga daluyan ng tubig.

Dapat umanong makiisa ang publiko sa kampanya ng ahensya sa tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang mga pagbaha sa Metro Manila.

Facebook Comments