Ayon sa San Jacinto Police Station, binabagtas ng biktima, na tubong Barangay Babasit, Manaoag, ang isang paliko-liko at madilim na bahagi ng kalsada nang bigla itong sumalpok sa nasabing poste.
Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon ang biktima at nagtamo ng sugat sa ulo. Wala rin umano itong suot na helmet nang mangyari ang aksidente.
Wasak naman ang harapang bahagi ng motorsiklo na nahulog sa katabing irigasyon.
Isinugod pa ang biktima sa Mapandan Community Hospital upang mabigyan ng paunang lunas, subalit idineklara itong dead on arrival.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ng pamilya ng biktima na nakainom umano ito bago umalis ng kanilang bahay upang magpahangin lamang, ngunit nauwi sa trahedya ang paglabas nito.
Kasalukuyan nang nakaburol ang biktima sa kanilang tahanan sa Barangay Babasit, Manaoag.
Samantala, muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga motorista na ugaliin ang ligtas at maingat na pagmamaneho, lalo na sa gabi, ngayong papalapit ang Undas at kapaskuhan.
Pinaalalahanan din ang mga nagmomotorsiklo na palaging magsuot ng helmet upang mabawasan ang panganib ng malubhang pinsala sakaling masangkot sa aksidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








