
Nakipagpulong si Manila Police District (MPD) Dir. Police Brig. Gen. Benigno Guzman sa pamunuan ng Araullo High School at mga tauhan ng Comelec NCR.
Ito’y para sa ilalatag na seguridad bago at matapos ang botohan sa May 12, 2025 para midterm elections.
Ang nasabing eskwelahan ang isa sa mga lugar kung saan gaganapin ang botohan na may 20 polling precint.
Kasama ang ilang mga tauhan ng BFP Manila at PCG, nais ni Guzman na masiguro na walang magiging problema at maayos na matatapos ang botohan.
Mula sa pagkuha ng balota sa City Treasurers Office at iba pang mga gagamitin sa eleksyon, sisiguraduhin ng MPD na walang magiging aberya ang lahat.
Sa araw naman ng eleksyon, magde-deploy ng sapat na tauhan ang MPD kung saan bawat guro na pawang mga board of election inspectors na lalabas ng paaralan matapos ang halalan ay bibigyan ng escort para sa kanilang seguridad.
Dagdag pa ni Guzman, maging ang paglabas o pagbalik ng mga election return ay babantayan ng MPD upang maisawan ang hindi inaasahang insidente.