TATLONG DRUG PERSONALITIES, NAARESTO SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON SA DAGUPAN CITY

Naaresto ang tatlong drug personalities sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng Dagupan City Police sa tatlong barangay sa lungsod.

Unang naaresto ang isang 26 anyos na lalaki sa Brgy. Tebeng kung saan nahulihan ng 2 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng nasa 13,600 pesos at buy-bust money.

Sunod na naaresto sa Brgy. Bonuan Binloc ang isang 32 anyos na lalaki matapos mahulihan ng 3 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga naman ng nasa 20,400 pesos.

Arestado rin ang isang 33 anyos na welder sa Brgy. Mayombo kung saan nahulihan rin ng parehong uri ng iligal na droga at nagkakahalaga ng nasa 13,600 pesos.

Lahat ng mga naaresto ay nasa ilalim na ng kustodiya ng hanay ng pulisya habang posible ang mga itong maharap sa kasong paglabag sa Section 5 o Sale of Dangerous Drugs at Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments