
May handog na libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero bukas ang pamunuan ng MRT-3.
Ito ay bilang pagpupugay sa mga kababaihan bilang pagdiriwang ng ‘Women’s Day’.
Libreng makasasakay ang mga babaeng pasahero mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. bukas.
Ayon kay General Manager Oscar Bongon, ang libreng sakay ay bilang pagkilala at pasasalamat sa mga kababaihan at sa kanilang mahalagang papel sa lipunan tulad ng pagsasakripisyo sa kanilang mga pamilya.
Mamamahagi rin ang pamunuan ng MRT-3 ng special ‘Women’s Month’ tokens sa mga kababaihang pasahero ngayong araw ng Biyernes.
Facebook Comments