
Binibigyan ng flexible working hours ang mga Muslim government workers upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga ito na makibahagi sa opisyal na pagsisimula ng buwan ng panahon ng Ramadan.
Ayon sa Civil Service Commission (CSC), maaaring i-modify ang pasok ng mga Muslim worker ngayong Ramadan mula 7:30 A.M. hanggang 3:30 P.M. nang walang noon break.
Ito ay alinsunod na rin sa polisiya sa flexible work arrangements (FWA) sa pamahalaan na nakapaloob sa CSC Memorandum Circular No. 06, s. 2022.
Tuwing Biyernes, maaari ring i-excuse sa trabaho ang mga ito mula 10:00 AM hanggang 2:00 PM para bigyang-daan ang kanilang pagdadasal.
Para masiguro namang makumpleto pa rin ang 40 hours workweek requirement ay dapat na magsimula ang flexible working hours nang hindi mas maaga sa 7:00 AM at magtatapos ng hindi lalagpas sa 7:00 PM.
Kasama sa maaaring i-adopt ng Muslim government workers ang flextime.
Kasunod nito, pinaalalahanan naman ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tiyaking magtutuloy-tuloy lang ang kanilang serbisyo.