Muling pagbabawal sa ‘wang-wang’, inihirit ng isang senador

106

Nanawagan si Senator JV Ejercito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na muling ipatupad ang pagbabawal sa ‘wang-wang’, blinkers at escorts na naka-wangwang o sirena.

Sa kaniyang Twitter account, ay sinabi ni Ejercito na nagawa ito ni dating Pangulong Noynoy Aquino pero ngayon ay magiging uso na naman.

Binanggit ni Ejercito na sa kanyang pagkakaalam, ang entitled lang na magkaroon ng motorcycle escort convoy ay ang pangulo, pangalawang pangulo, pangulo ng senado, speaker ng Kamara at chief justice ng Korte Suprema.


Sinang-ayunan naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang obserbasyin ni Ejercito.

Ayon kay Gatchalian, napansin din nya ang pagdami ng gumagamit ng wangwang at marami na naman ang feeling vip o very important persons.

Facebook Comments