COMELEC, magpapatawag ng emergency meeting kasunod ng pagpasa sa Kamara ng term extension para sa Barangay at SK officials

Hihintayin ng Commission on Elections (COMELEC) kung ano ang magiging pasya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa panukalang term extension para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) officials.

Ito ay makaraang makalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang pagpapalawig sa termino ng mga Barangay at SK officials sa anim na taon mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Sa online interview, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hihintayin pa nila kung pipirmahan na ito ni Pangulong Marcos Jr.

Samantala, posible rin aniyang magkaroon ng pagbabago sa petsa ng pagbubukas ng voter registration.

Kahapon, sinabi ng Palasyo na tuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Disyembre hangga’t hindi pa pumapasa bilang batas ang panukalang nagpapaliban sa halalan.

Facebook Comments