
Bineberipika pa ng Philippine National Police (PNP) ang authenticity at context ng umano’y leaked memorandum na may kaugnayan sa isyu ng pagdaan sa EDSA bus lane ng convoy ng PNP.
Ayon sa PNP, nananatili silang tapat sa transparency, accountability at integridad sa lahat ng kanilang operasyon at komunikasyon.
Iginiit din ng Pambansang Pulisya na hindi nila kinukunsinti ang anumang pagtatangkang manipulahin ang opinyon ng publiko o ilihis ang atensyon mula sa mahahalagang usapin.
Patuloy rin nilang ipinatutupad ang due process sa anumang paglabag na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan.
Hinikayat naman ng PNP ang publiko na kumuha lamang ng mga impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang sources upang maiwasan ang misinformation.
Giit ng PNP, mananatili silang tapat sa kanilang tungkulin na maglingkod at magprotekta sa sambayanan nang may integridad at propesyonalismo.