NAGBANTA | Pangulong Duterte, tiniyak na hindi papatalo ang pamahalaan sa NPA

Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na papatay ng 5 miyembro ng NPA ang mga Militar sa oras na gawin ng NPA ang pagpatay sa mga Miyembro ng AFP at ng PNP.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap narin ng banta din ni Sison na papatay ng isang sundalo kada araw hanggang hindi bumabalik ang pamahalaan sa usapang pangkapayapaan.
Ayon sa Pangulo, gagawin niya din ang sinabi ni Sison at papatay ng hindi lang 1 kundi 5 o mas marami pang NPA kada araw kung ito ang gusto ni Sison.
Kung maaari pa aniya ay aambushin ng tropa ng pamahalaan ang mga NPA ay gagawin ito ng Pamahalan.
Sinabi pa ng Pangulo na bibili siya ng mga Helicopters hindi para sa humanitarian missions kundi para maubos na ang teroristang NPA sa bansa.

Facebook Comments