NAGPROPOSE? | John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, engaged na?

142

Manila, Philippines – Ilang linggo matapos umugong ang balitang buntis si Ellen Adarna, usap-usapan naman ngayon ang umano’y pagpo-propose sa kanya ni John Lloyd Cruz.
Ang espekulasyong ito ng netizens ay kasunod na rin instagram post ng aktres kung saan kapansin-pansin sa larawan ang suot niyang singsing.

Mas tumindi pa ang haka-haka nang i-congratulate ni Baste Duterte si Ellen sa kanilang usapan sa comment section sa instagram.

Matatandaang isiniwalat din ng talent manager na si Lolit Solis sa kanyang instagram post na nakita niyang bumili ng tatlong milyong pisong halaga ng diamond ring si John Lloyd.

Sa kabila ng mga lumabas na kumpirmasyong buntis nga si Ellen, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na anunsyo ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Facebook Comments