NAIPIT SA TRAPIK │ Indonesian President Joko Widodo, naglakad ng dalawang kilometro

World – Napilitang maglakad ng dalawang kilometro dahil sa matinding traffic si Indonesian President Joko Widodo.

Ito ay upang hindi mahuli sa programa sa 72nd founding anniversary ng Indonesian military.

Ayon sa ulat – naipit sa matinding trapiko sa military parade sa Cilegon si Widodo ng mahigit tatlumpung minuto.


Sa pagkainip ay napilitang maglakad na lamang kung saan sinamahan siya ng mga opisyal ng gobyerno at mga pulis.

Facebook Comments