Naiwang mga proyekto ni DMW Sec. Susan ‘Toots’ Ople, ipagpapatuloy pa rin ng kanyang naiwang pamilya

Tiniyak ng Pamilya ng yumao na si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople na ipagtatapuloy pa rin nila ang mga proyekto at mga balak pa sanang gawin ng kalihim na makatutulong sa publiko.

Ito’y dahil sa mga misyon at pag-alay na nagsilbing inspirasyon lalo na sa mga pilipinong nasa ibang bansa para magtrabaho.

Ayon kay Estella Ople Osorio, ang nag-iisang anak ng kalihim, selfless na tao ang kanyang ina at buong pusong ibinigay ang tulong at serbisyo lalo na sa ating mga Overseas Filipino Workers.


Sa ngayon ay patuloy na dumarating ang mga kaibigan ni Ople upang makiramay, kasama na riyan ang ilang opisyal ng iba’t ibang ahensya at patuloy pa din na may nagpapadala ng bulaklak mula sa opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments