NANLABAN | Dalawang hinihinalang supplier ng shabu, patay sa Lucena City

Lucena City – Patay ang dalawang hinihinalang supplier ng shabu matapos manlaban sa mga otoridad sa Barangay Cotta, Lucena City.

Alas 4:00 kahapon nang salakayin ng mga otoridad ang pinagkukutaan ng mga suspek na Ruel Kuan at Jonathan Mercurio Romano.

Sa halip na sumuko, nakipagbarilan pa umano sa mga pulis ang dalawa na nagresulta ng pagkamatay nila.


Nakuha kay Romano ang isang homemade shotgun, isang kalibre 38 baril at mga bala.

Habang narekober kay Kuan ang isang kalibre 45 baril.

Bukod dito, 24 na iba pang mga drug pusher ang naaresto sa hiwalay na operasyon ng mga pulis sa Lucena.

Facebook Comments