NAPUPUSUAN | Dating Miss World-Philippines Catriona Gray at volleyball star Michele Gumabao, “strong candidates” sa Binibining Pilipinas 2018

122

Manila, Philippines – Malaki ang tiyansa nina dating Miss World-Philippines Catriona Gray at volleyball star na si Michele Gumabao na makasungkit ng korona sa nalalapit na 2018 Binibining Pilipinas.

Para kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, “strong candidates” sina Gray at Gumabao at tiyak siyang maganda ang magiging performance ng dalawa.

Natutuwa rin aniya siya dahil nagle-level up ang Binibining Pilipinas.

Ngayon kasi, malaya nang pumili ng isusuot na gown ang mga kandidata at umiikot na rin sila sa ibang lugar para sa photoshoot.

Ang hiling lang daw talaga niya, sana ay makakita ang mga Pinoy ng bagong crown.

Sa Linggo, March 18 kokoronahan na ang bagong batch ng Pinay beauty queens na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments