Nakiisa ang Alaminos City Library sa pagdiriwang ng ika-43 National Children’s Book Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Araw ng Pagbasa sa Lucap Elementary School.
Taglay ang temang “Pahinahon, Pahinahon,” layunin ng programa na mahikayat ang mga batang mag-aaral na mas mahalin ang pagbabasa at mapaunlad ang kanilang kaalaman at imahinasyon.
Sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos, Sangguniang Panlungsod, at Schools Division Office of Alaminos City, nakilahok sa programa ang mga mag-aaral ng Kinder, SPED, at piling Grade 1 learners.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang storytelling sessions, puppet show, at iba pang educational activities na nagbigay ng kasiyahan at mahahalagang aral sa mga bata.
Layunin ng programa na maitanim sa murang edad ang kahalagahan ng pagbabasa bilang susi sa pagkatuto, paglinang ng pagkamalikhain, at pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kinabukasan ng mga kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











