OPEN GOVERNMENT WORKSHOP, PINAANDAR SA DAGUPAN CITY BILANG NUMERO UNO SA PH-OGP ASSESSMENT SA REGION 1

Isinagawa sa Dagupan City ang Open Government Partnership (OGP) Program Workshop noong Lunes, Hulyo 13, para pag-usapan ang mga paraan kung paano pa mapapabuti ang mga programa para sa mga Dagupeño.

Dinaluhan ang workshop ng mga kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan, civil society organizations, pribadong sektor, mga opisyal ng barangay, akademya, kabataan, mga department heads at iba pang stakeholder.

Ayon sa Open Government Partnership Facilitator ng workshop, isinagawa ang aktibidad matapos mapili ang Dagupan City bilang isa sa 16 na local government units na maayos na ngapatupad ng Open Government Partnership (PH-OGP).

Sa isinagawang pagsusuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga katuwang nitong civil society organizations sa Region 1 noong August 2025, nanguna ang lungsod batay sa transparency, accountability at pakikilahok ng mamamayan sa mga programa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Belen T. Fernandez na layunin ng Open Government Partnership na makahanap ng mga solusyon sa mga pangangailangan ng lungsod sa pamamagitan ng partnership.

Ang pagpapatupad ng Open Government Partnership sa lungsod ay nakabatay sa Executive Order No. 31 at sinusuportahan ng DILG Memorandum Circular No. 2025-065. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments