₱3,000 SOCIAL PENSION, IPINAMAHAGI SA MGA SENIOR CITIZEN SA DAGUPAN

Umabot na sa ikatlong araw ang pamamahagi ng Social Pension (SOCPEN) para sa mga senior citizen sa Dagupan City ngayong Hulyo 16.

Sa umaga, tumanggap ng tig-₱3,000 na ayuda ang 942 senior citizens mula sa mga barangay ng Bacayao Norte, Caranglaan, Lasip Chico, Lomboy, Mamalingling, Pogo Grande, Salisay, Tambac, Tapuac, at Tebeng.

Inaasahan namang makatatanggap din ng kanilang social pension ang 576 pang benepisyaryo sa nakatakdang payout ngayong hapon.

Kasabay ng payout, bukas din ang pagpaparehistro para sa YAKAP Program, kung saan maaaring makinabang ang mga senior citizen sa libreng maintenance medicines na nagkakahalaga ng hanggang ₱20,000.

Ayon sa lokal na pamahalaan, hinihikayat ang kabuuang 4,735 benepisyaryo ng SOCPEN na gamitin ang kanilang natanggap na ayuda para sa pagbili ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Isinasagawa ang payout sa pakikipagtulungan ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP)–Dagupan, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), City Treasurer’s Office, at City Health Office, na nagkakaloob din ng libreng medical check-up upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng tulong at pangangalaga sa kalusugan ng mga nakatatanda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments