Thursday, July 16, 2026

SIMULATION EXERCISE SA ACTIVE SHOOTER INCIDENT AT HOSTAGE SITUATION, ISINAGAWA SA LAOAG CITY

Nagsagawa ng simulation exercise ang Laoag City Police Station kaugnay ng isang Active Shooter Incident with Hostage Negotiation sa Ilocos Norte National High School (INNHS) upang mas mapaigting ang kahandaan ng mga ahensya sa pagtugon sa mga kritikal na insidente.

Pinangunahan ni PLTCOL Ryan M. Retotar, Officer-in-Charge ng Laoag City Police Station, ang pakikilahok ng kapulisan sa pagsasanay kasama ang iba’t ibang partner agencies tulad ng SOCO Team, EOD Canine Unit, 1st Ilocos Norte Provincial Mobile Force Company, Bureau of Fire Protection–Laoag City, City Disaster Risk Reduction and Management Council, DPS Paramedics, at City Health Office Medical Team.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya, pagbutihin ang emergency response capabilities, at tiyakin ang kahandaan sa paghawak ng mga insidenteng maaaring mangyari sa loob ng paaralan.

Dumalo rin sa pagsasanay sina Laoag City Mayor James Bryan Q. Alcid, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Schools Division Superintendent ng Laoag City na si Dr. Joanne Corpuz, at mga teaching at non-teaching personnel ng Ilocos Norte National High School.

Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, muling pinagtibay ng mga kalahok na ahensya ang kanilang pangako na mapanatili ang ligtas, protektado, at matatag na kapaligiran para sa mga mag-aaral at buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments