Nawawalang aircraft sa Isabela, hindi pa rin matagpuan

Blangko pa rin ang rescuers sa kinaroroonan ng nawawalang RP-C1234 aircraft sa Isabela.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations sa nawawalang aircraft.

Aniya, may suspected site na ang CAAP hinggil sa posibleng kinaroroonan ng eroplano.


Ito ay base aniya sa huling radio communication ng piloto sa tower noong Huwebes, November 30.

Ang naturang eroplano ay may sakay na isang piloto at isang pasahero.

Facebook Comments