NBA | Cleveland Cavaliers, pinuwersa ang Game 7 kontra Boston Celtics

NBA – May Game 7 sa Eastern Conference Finals.

Ito ay matapos durugin ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics, 109-99 sa game 6 para maitabla sa 3-all ang kanilang serye at matiyak ang winner take all na game 7.

Umiskor si Lebron James ng game high 46 points, 11 rebounds at 9 assists para bitbitin ang Cavs sa panalo.


Nag-ambag naman ng 20 points si George Hill.

Hindi natapos ni Kevin Love ang laro dahil sa tinamo nitong concussion sa unang bahagi ng game 6.

May 28 points naman si Terry Rozier habang may 27 markers naman si Jaylen Brown para sa Boston.

Gaganapin ang game 7 sa Boston.

Facebook Comments