NBA | Lance Stephenson, aminadong tinawagan muna ni LeBron James bago pumayag na maglaro sa Los Angeles Lakers

62

NBA – Inamin ngayon ni Lance Stephenson na tinawagan muna siya ni NBA Superstar LeBron James bago siya nagdesisyon na pumirma ng kontrata sa Los Angeles Lakers.

Ayon kay Stephenson, bagama’t itinuturing niya na number one rival si LeBron, mas lalo daw siya humanga sa respeto na ibinigay nito sa kaniya.

Nabatid na isa si Stephenson sa mga mahigpit na defender ni James sa tuwing maghaharap sila sa bawat laro kung saan magkakasama na ang dalawa sa Lakers makaraang pumirma ng one-year contract si Lance na may $4.5 million na sweldo.

Inaasahan din ni Lance na magiging maganda ang team-up nila ni LeBron kasama ang iba pang veteran players na sina Rajon Rondo at Javale Mcgee.

Facebook Comments