NBA | Pamunuan ng NBA, inaming may mga foul na hindi tinawag sa laro ng Warriors kontra Cavaliers

NBA | Inamin ng NBA na nagkamali ang kanilang referee sa hindi pagtawag sa foul kay Kevin Durant ng dalawang beses kay LeBron James.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa paghaharap ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers noong Christmas.

Sa inilabas na ulat ng last two minute report ng NBA, hindi natawagan ng mga officials ng dalawang beses si Durant ng ito ay mag-drive sa basket na may natitira pang 30 seconds kung saan lamang ang Warriors kontra cavs 95-92.


Hindi lamang si Durant ang nagkaroon ng tila missed call ng mga referee at sa halip ay pati si James kung saan hindi nakita ang ginawang pag-foul kay Draymond Green ng sila ay nagharap sa pag-rebound.

Facebook Comments