
Nagpaliwanag si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa hindi pagpigil ng bureau kay dating Senador Antonio Antonio Trillanes sa tangkang pagsisilbi nito ng warrant of arrest kay Senador Ronald dela Rosa.
Ayon kay Matibag,wala siyang moral ascendancy kay Trillanes lalo na’t dati itong senador at dating militar.
Iginiit din ni Matibag na mismong si dela Rosa ang naghamon kay Trillanes na posasan siya sa Senado kaya aniya sumugod ang dating senador sa Mataas na Kapulungan.
Una nang umani ng batikos ang pagsisilbi ni Trillanes ng warrant of arrest laban kay dela Rosa, kasama ang NBI.
Facebook Comments










