NBI, inihayag na case closed na ang pagkamatay ni Jovelyn Galleno

Itinuturing na ng National Bureau of Investigation (NBI) na “closed case” na ang kaso ng nawawalang si Jovelyn Galleno sa Palawan.

Ito’y matapos kumpirmahin ng forensic experts ng NBI na kay Jovelyn nga ang natagpuang kalansay kamakailan sa Sto. Pulang Lupa, Brgy. Sta. Lourdes sa Palawan.

Batay sa DNA test na isinagawa ng NBI, nagpositibo ng 99.99 % ang resulta.


Ipinaalam na rin ng NBI sa pamilya ang kanilang findings sa ginawang imbestigasyon.

Nauna nang nagsagawa ng autopsy at DNA test ang police authorities at kinumpirma rin na kay Jovelyn ang kalansay.

Pumasok sa imbestigasyon ang NBI dahil hindi kumbinsido ang maraming tao lalo pa’t mabilis na naagnas ang mga labi ni Jovelyn.

Facebook Comments