NBI, walang balak na patulan ang political speech ni FPRRD hinggil sa pagpatay sa 15 senador

Walang balak ang National Bureau of Investigaiton o NBI na imbestigahan ang political speech ni dating Pangulong Duterte hinggil sa pagpatay sa 15 senador.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, batid niyang hindi seryoso ang pahayag ng dating pangulo at bahagi lamang ito ng rhetorics o retorika.

Maliban dito, wala naman aniyang pinangalanang senador si PRRD at wala rin siyang sinabi kung incumbent ba o tumatakbo pa lamang yung mga senador.


Ito aniya ay taliwas sa ginawa ni Vice President Sara Duterte na nagpatawag pa ng press conference at pinangalanan ang mga nais niyang ipa-patay sakaling ma-assassinate siya.

Binasura rin ni Santiago ang hamon sa NBI ni Rep. Zia Adiong at ng ilang kongresista na imbestiganan nila ang dating pangulo.

Ayon kay Santiago, hindi kongresista ang dapat na magpa-imbestiga laban kay PRRD, kundi miyembro ng Senado.

Facebook Comments