NBN-ZTE whistleblower Jun Lozada at kanyang kapatid, inilipat na sa Bilibid

138

Mula NBI Detention Center, inilipat na sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ni NBN-ZTE whistleblower Jun Lozada at kanyang kapatid.

Ito ay matapos na lumabas na ang commitment orders ng korte sa magkapatid na Lozada.

Una rito, nag-return of warrant sa National Bureau of Investigation (NBI) ang magkapatid na Jun at Jose Orlando Lozada matapos na sumuko ang mga ito.


Ang magkapatid ay hinatulang guilty ng Sandiganbayan Fourth Division sa kasong katiwalian kaugnay sa land deal sa Philippine Forest Corporation.

Inisyu ng anti-graft court ang arrest warrant sa mga Lozada makaraang pagtibayin ng Korte Suprema ang ruling nito.

Anim na taon hanggang 10 taon na pagkakakulong sa Bilibid ang ipinataw ng korte sa Lozada brothers.



Facebook Comments