
Sabay-sabay ang isinasagawang assessment at response ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (ndrrmc) kaugnay ng mga naapektuhan ng bagyong Tino pati na ang paparating na namang panibagong bagyo sa bansa.
Ayon kay NDRRMC Chair at Department of National Defense Secretary Glibert Teodoro,mayroon na lamang window time hanggang Sabado bago dumating ang panibagong bagyo na tatawaging “Uwan” kung kayat puspusan ang paghahandang isinasagawa ng ahensya.
Ayon pa sa kanya , tuluy-tuloy ang Office of Civil Defense (OCD) sa pakikipagcoordinate sa mga local na opisyal para maalalayan sa nasabing paghahanda.
Nakapreposition na din ang Department of Social Welfare and Development pati na rin ang Department of Health para maghatid ng serbisyo sa mga residenteng maapektuhan ng nasabing bagyo.
Kung saan pinaplano ng maigi ang mga sasakyan para hindi masayang ang mga espasyo na paglalagyan ng mga relief item.
Sa ngayon, hindi pa tukoy kung saan magla-landfall ang nasabing paparating na bagyo ngunit inaagapan na ng ahensya lalo na ang pag-uulan na mararanasan ng bansa sa darating na Sabado.
Inaasahan naman na magkakaroon ng briefing si Pangulong Bongbong Marcos sa tanggapan ng OCD.









