Wednesday, June 24, 2026

Malacañang, handang maglaan ng budget para sa dagdag na security ng mga pampublikong paaralan

Handa ang Malacañang na maglaan ng karagdagang pondo para sa pagpapalakas ng seguridad ng mga pampublikong paaralan.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani ng paaralan at maiwasan na maulit ang insidente ng pamamaril na naganap sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pag-aaralan ang dagdag na budget para sa pagkuha ng mas maraming well-trained security guards at iba pang hakbang na magtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagrepaso sa umiiral na mga polisiya sa seguridad sa mga paaralan.

Inirerekomenda rin ng PNP na isa o dalawang gate lamang ang buksan ng mga eskwelahan upang mapalakas ang seguridad at mas maayos na makontrol ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa loob ng paaralan.

Facebook Comments