Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves, posible ring madiin sa Degamo killing

Kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na posibleng madiin din sa kaso ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves.

Siya ay nakababatang kapatid ni Cong. Arnolfo Teves Jr.

Kasunod ito ng raid nitong Biyernes sa sugar mill ng dating gobernador kung saan nakuha ang ilang high-powered firearms, mga bala at mga pampasabog.


Partikular na nakuha ang mga armas, bala at pampasabog sa 50-hectare compound ni Teves sa Barangay Caranoche, Santa Catalina sa Negros Oriental.

Kanina, inahayag din ni Sec. Remulla na kabilang na sa itinuturing nilang isa sa masterminds si Cong. Arnolfo Teves Jr.

Facebook Comments