FIVE-DAY TEMPORARY SUSPENSION NG PAGPAPAREHISTRO NG MGA BOTANTE, IPINATUTUPAD NG COMELEC SA MANGALDAN

Isasailalim sa pansamantalang suspension ang voter registration sa Mangaldan mula Abril 21 hanggang Abril 25, ayon sa Commission on Elections (COMELEC) upang bigyang-daan ang pagsusuri ng listahan ng mga botante.

Ayon sa ulat, isasagawa ang pagdinig ng Election Registration Board (ERB) na tututok sa pag-aayos ng listahan sa loob ng limang araw.

Kabilang dito ang pag-aalis ng mga pangalan ng mga yumaong botante at pag-alis ng mga posibleng dobleng rehistro.

Magpapatuloy naman ang proseso ng pagpaparehistro sa Abril 26 matapos ang pansamantalang paghinto.

Samantala, hindi umano maaantala ang pagkuha ng Voters Certification dahil mananatiling bukas ang COMELEC Mangaldan sa buong panahon ng suspensyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments