Imbestigasyon ng pamahalaan kaugnay sa serbisyo ng PrimeWater, malapit nang matapos — Malacañang

Inihayag ng Malacañang na malapit ng matapos ang ginagawang imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa kabi-kabilang reklamo ng mga konsyumer sa serbisyo ng kumpanyang PrimeWater, na pagmamay-ari ng pamilya Villar.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi tinulugan ng mga opisyal ang imbestigasyon at patuloy na nag-follow up para malaman ang katotohanan sa isyu

Kaya namang malapit na aniya nilang ilabas ang resuta ng ng imbestigasyon ng LWUA.

Matatandaang inireklamo ng mga konsyumer ang ang mahinang suplay ng tubig ng PrimeWater sa kabila ng mahal na singil — dahilan para paimbestigahan ito ng pangulo sa LWUA.

Nauna na ring ipinangako ng kumpanya aayusin nila ang supply ng tubig sa ilang barangay sa Malolos bago magbukas ang klase sa June 16.

Facebook Comments