NGCP, naghahanda nang proteksyonan ang transmission facilities nito sa banta ng Bagyong Paeng

Activated na ang Integrated Disaster Action Plan ang power system operator at transmission service provider na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa harap ng banta ng Bagyong Paeng.

Nagpatupad na ng kaukulang preparasyon ang NGCP upang proteksyonan ang mga transmission operations at facilities nito mula sa banta ng Bagyong Paeng.

Kabilang sa paghahanda ng NGCP ay ang pagprotekta sa mga communications equipment nito.


Pinatitiyak din ng NGCP na may sapat na suplay ng mga hardware materials na kakailanganin sa pagkukumpuni ng masisirang facilities.

Siniguro rin nito na naka-pre-position ang mga line crews sa mga strategic areas para sa mabilisang maibalik ang kuryente sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments