Wednesday, July 8, 2026

NNIC, tiniyak na walang nasaktan sa sagian ng eroplang PAL at Saudia Airlines sa NAIA

Tiniyak ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) na walang nasaktan sa pagkasagi ng Saudia Flight SV871, sa nakaparadang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) sa NAIA kagabi.

Ayon sa NNIC, hindi rin nagdulot ang insidente ng pagkabalam ng airport operations.

Nilinaw din ng NNIC na mahina lamang ang pagkasagi ng pakpak ng Saudia aircraft sa buntot ng PAL Airbus A320.

Ligtas din anilang nakababa ang lahat ng pasahero ng eroplano at kinansela na ang Saudia Flight SV871.

At ang Saudia aircraft ay agad naman na nahila at dinala sa bay para sa inspeksyon.

Ang dalawang eroplano ay nagtamo ng pinsala at sumasailalim na sa technical assessment.

Wala ring napinsalang airport infrastructure o ground equipment.

Facebook Comments